Setyembre 08, 2015

Break na Tayo


G: Break na tayo. B: Ano? G: Magbrebreak na tayo.Bakit? B: Ano? Break na Tayo?pagkatapos ng  Dalawang Taon na ating pagsasama? pagkatapos kita pagaralin ng kolehiyo?, Pagkatapos kita bigyan ng chocolates?  pagkatapos kita bilhan ng damit dito lang mapupunta? Grabe ka niloko mo ko. Ayoko na Din Sayo!

Sabi ko na nga ba ehh walang FOREVER EHH. kakaibiganin kita tapos liligawan kita.. tapos magiging tayo. sa una, masaya pero kapag tumagal iba na mararamdaman mo. tapos breakup na.
Ngayon LUMAYO KA NA! Wala Kang PUSO!
G: HOY Ano ba pinagsasabi mo dyan huh? Grabe... Grabe Dami mong Sinabe!Galing mo mag Drama! break na natin ohh Alas siyete na. Kain na tayo ng McDo sa labas.

"Hanggang sa muli!"

By: Group 5(Aztec) Simula pa lang nang makilala kita, binigyan mong kulay ang aking buhay. Ikaw lamang ang sumasagi sa aking isipan. Ikaw ang nagpatibok sa aking pusong nakalaang magmahal. Ika'y biyaya sa aking buhay. Isang umaga habang ako'y papasok sa simbahan ay mayroon akong nakitang isang magandang dilag. Ang tangi kong hiling ay sana ikaw na ang makasama ko habambuhay. Bumili ako ng sampaguita noon at binigay ko ito sayo. Akala mo pa nga'y isa ako sa mga namamalimos. Natatandaan mo pa ba iyon? Araw-araw kitang inaabangan sa harap ng simbahan. Umaasang makita kang muli upang makilala ng lubusan. Hanggang sa nakita na lamang kita... Araw na pala ng kasal mo ngayon, ang iyong kagandahan ay nangingibabaw. Napaka-swerte naman ng iyong magiging asawa. Sana nagawa mo rin yan noong nagkaroon tayo ng pagkakataong magpakasal. Kailanman hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Sa tingin ko'y hanggang dito na lamang talaga tayo. Hanggang sa muli...

"Ang Laki"


by:Group 5 (Aztec)

" Tignan niyo to. Ang laki talaga ng akin"

"Tangek maa malaki tong akin. Tignan mo. May puti la sa gitna" 

"Mas malaki talaga akin, may buhok pa" 

"Meron din ako. Pero hindi na ako makikisali sa inyo. Okay lang yung laki ng akin." 

"Tama na nga yan! Wag na kayong magsagutan dahil diyan sa mga tigyawat niyo"