Setyembre 08, 2015

"Hanggang sa muli!"

By: Group 5(Aztec) Simula pa lang nang makilala kita, binigyan mong kulay ang aking buhay. Ikaw lamang ang sumasagi sa aking isipan. Ikaw ang nagpatibok sa aking pusong nakalaang magmahal. Ika'y biyaya sa aking buhay. Isang umaga habang ako'y papasok sa simbahan ay mayroon akong nakitang isang magandang dilag. Ang tangi kong hiling ay sana ikaw na ang makasama ko habambuhay. Bumili ako ng sampaguita noon at binigay ko ito sayo. Akala mo pa nga'y isa ako sa mga namamalimos. Natatandaan mo pa ba iyon? Araw-araw kitang inaabangan sa harap ng simbahan. Umaasang makita kang muli upang makilala ng lubusan. Hanggang sa nakita na lamang kita... Araw na pala ng kasal mo ngayon, ang iyong kagandahan ay nangingibabaw. Napaka-swerte naman ng iyong magiging asawa. Sana nagawa mo rin yan noong nagkaroon tayo ng pagkakataong magpakasal. Kailanman hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Sa tingin ko'y hanggang dito na lamang talaga tayo. Hanggang sa muli...

18 komento:

  1. AHAHAHAHAH napakaganda ng dagli.

    TumugonBurahin
  2. Noong binasa ko ito, tumutugtog sa aking isipan ang kanta ng Calalily na Magbalik .. Ugh T_T .. xD ... Kaya dapat hangga't maaari .. di sinasayang ang pagkakaton

    TumugonBurahin
  3. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  4. ganyan talaga kaya habang maaga pa umamin saka mag first move na di yung saka ka lang magsisisi kung kailan huli na ang lahat pero tandaan mo wala paring forever magbbreak din sila

    TumugonBurahin
  5. Maganda, nakakaiyak kasi hindi na maibabalik ang dati, kailangan na siguro nila tanggapin na hindi sila para sa isa't isa.

    TumugonBurahin
  6. Parang unang kwento namin yan pero may forever peke din yung magkakasal dyan ����

    TumugonBurahin
  7. Pera na naging bato pa T.T

    TumugonBurahin
  8. Kung ang dati ay masaya. Bat di mo na lang iparamdam sa iba yung pag mamahal mo para di ka na masaktan pa ulit. At yung mamahalin ka pang habang buhay at ng tunay.

    TumugonBurahin
  9. awtsuu . walang forever !!

    TumugonBurahin
  10. Totoo na hindi lang talaga kaming mga lalaki ang mga nanloloko
    -Krtfr Crdns

    TumugonBurahin
  11. Ganda ng pagkakabuo ng istorya :) galing -Gerald Reodava

    TumugonBurahin
  12. And ganda ng istorya haha astig the best ung mga gumawa nito

    TumugonBurahin
  13. Wow great story it so touchy in my heart

    TumugonBurahin
  14. Maganda ang kwento ng istorya dahil patok sa kabataan ngayon dahil tungkol ito sa pag ibig kaya ang mga kabataan ay magugustuhan itong kwentong ito

    TumugonBurahin
  15. maganda ang kwento sumasabay sa takbo ng panahon .. :))
    -MeowMeow ! s'o :))

    TumugonBurahin